When Sparks Fly by Ines Bautista-Yao – Filipino Version


When Sparks FlyWhen Sparks Fly by Ines Bautista-Yao

Publication Date: August 15, 2016

Genre: Romance

Buy it on Amazon!

[Special thanks to Ms. Ines for the review copy!]

Click here for the English version of this review!

Goodreads Summary:

Twenty-four-year-old photographer’s apprentice Regina has always felt like the plain, dull orange next to the shiny red apple that is her best friend Lana. But then she meets Ben—the first guy to ever break Lana’s heart, and the first guy to ever make Regina feel that he only has eyes for her. As Regina finds herself falling hard for Ben, she also finds herself breaking all the rules of best-friendship. Will she give up the love of her life for Lana, or will she finally realize that she deserves her share of the spotlight, too?

When Sparks Fly can be read as a standalone novel, but it is also a prequel to Ines Bautista-Yao’s other book Only A Kiss.


My thoughts:

Ay, patay.

Pagkatapos kong basahin yung summary, naisip ko yan. Kasi duhh, war na ituuu.

Super cute ng first meeting nina Regina at Ben. Hindi ko rin akalaing may isusulat pala si Ben sa coffee cup. Actually, pwedeng commercial ng coffee yung eksenang yun. #ideas

Sa review ko ng Blast From Two Pasts, sinabi ko na:

Siguro yun yung gusto ko sa mga stories na Filipino authors yung sumulat – kasi dahil kapwa mo pinoy, yung feels mas familiar. Mas tagos sa puso. MAS KILIG. Kahit pa foreign setting eh, parang nakikilala mo lang talaga kapag pinoy yung sumulat. Eh Philippine setting ang book na’to, so mas relate. Basta ang ganda. Basta yun na yun. FEEEELS.❤

Totoo rin yan dito. Pa’no kasi, nakakatuwa na parang kiliti yung kilig – sapul eh. Huling-huli. Kaya ang bilis ding basahin. Tapos mega relate nga. Lalo na ‘to. Pa’no kasi feeling ko nangyari na sa’kin. Pero similar case lang naman. 😉

Gusto ko rito yung effort in many forms. Sa lahat ng relationship, mahalaga talaga yung effort eh. At nakakatuwang basahin yung mga ginawa nina Regina, Ben, at Lana para sa mga taong mahal nila.

Pero ‘wag nating kalimutan si Paulo. Sobrang havey niya. Sa kanya galing yung best quote ng book. Feeling ko yung next story bida na siya. :))))

Best part ng book? Yung namulat sa katotohanan si Regina. Napakalaki niya kayang martir. Parang obligasyon niyang maging masaya lahat ng tao. Feeling proud naman ako nung nagdesisyon siyang ipaglaban ang dapat niyang ipaglaban. Idol ko na siya. Medyo martir din kasi ako. Kaya tumatak sa’kin yung sinabi ni Paulo.

Pero hindi lang yan. Kasi ang medyo kakaiba rito sa book, halos lahat ng characters, mabait. Yung Kuya Guard, mabait. Mga kamag-anak, mabait. Mga side characters with important roles, mabait. May isang girl na chena lang pero ‘wag na nating pag-usapan yun. Ang cute lang kasi na ang daming mabait, hihi. 🙂

Ay meron pa pala. Sobrang passionate ng mga tao sa book na ‘to. Mapa-sports, photography, cooking…basta. Iba talaga ‘pag mahal mo yung trabaho mo.

Binasa ko ‘to habang pinapakinggan ang isang acoustic cover ng Sparks Fly. Pwedeng theme song. Magandang ideya.

Uulitin ko rito yung nilagay ko sa English version, kasi hindi ko ma-translate ‘to at feeling ko yung thought na-capture talaga.

When sparks fly, drop everything now and live in the moment. It’s not every day life gives you fireworks. ❤


Final Rating: 5/5

Signature II

Advertisements

2 thoughts on “When Sparks Fly by Ines Bautista-Yao – Filipino Version

  1. “Napakalaki niya kayang martir. Parang obligasyon niyang maging masaya lahat ng tao.”
    This review is a call that I urgently need to read this book. Hahaha. And the fact na the book pushed you to write a review in Filipino means it’s extraordinary. Love it. 🙂 ❤

What do you think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s