[Blog Tour] Blast From Two Pasts by Kristel Villar – Filipino Version


Blast From Two PastsBlast From Two Pasts by Kristel Villar

Publication Date: April 1, 2014

Genre: Romance

[Review copy provided for the blog tour, thanks to Bibliophiles Unplugged and Ms. Kristel!]

*Click here for the English version of this book review!*

Goodreads Summary:

Fate’s been playing tricks on Cara Nicolas lately. She agrees to go on a blind date with her best friend’s fiancé’s cousin, only to discover that the guy is her first love from high school, Lucas Lobregat. Now that would have been a charming story, except that the date turns out to be one of the worst ever. And they can’t even pretend it never happened, because they’re both suddenly part of the wedding preparations.

Just as she is starting to get to know more about the boy she used to love, Oliver Sta. Maria, an old flame who owes her some closure, surprisingly shows up. With two pasts resurfacing, which will Cara choose to rekindle? Or can she have the chance to choose at all?


My thoughts:

Book cover pa lang, ang ganda na eh. Favorite color combinations ko kasi. Actually kaya ko napansin ‘to dahil sa book cover. May hawak si Ms. Mina na paperback copy nung #buqoYA face-to-face class tapos napansin ko kasi pink. Na-curious ako, pero hindi ako nagkaroon ng chance na basahin ‘to, kaya nung malaman kong may blog tour (thanks, Ate Erika!), join agad. 🙂

Lucas na naman? Yun ang unang reaction ko nung sinimulan kong basahin. Lucas na yata ang pinaka-common na pangalan ng book boyfriends. Ang gwapo naman kasi pakinggan. Parang pangalan pa lang, nakakakilig na.

Hindi ko masyadong gusto si Oliver kasi parang panira lang siya, pero walang thrill kung wala siya. Kinailangan talagang lumitaw siya sa story. Mas gumanda nung nakikiagaw na siya kay Cara.

Si Lloyd at Ayen!!! BFFs for the win. Parang Ms. Bulgaria at Ms. USA lang eh, super bet ko silang dalawa. 🙂

At syempre si Cara. Relate much. AS IN RELATE MUCH. Ayoko lang mag-mega hugot dito, pero alam ko yung feeling eh – yung kailangan mo lang talagang malaman kung bakit, yung hindi ka mapakali dahil walang closure. Tska yung feeling na, pangarap mo lang dati, tapos kung kailan matagal mo nang kinalimutan, saka biglang natupad.

PANALO YUNG ENDING. 🙂 Medyo expected na, pero super cute pa rin eh, nakangiti pa rin ako. Siguro yun yung gusto ko sa mga stories na Filipino authors yung sumulat – kasi dahil kapwa mo pinoy, yung feels mas familiar. Mas tagos sa puso. MAS KILIG. Kahit pa foreign setting eh, parang nakikilala mo lang talaga kapag pinoy yung sumulat. Eh Philippine setting ang book na’to, so mas relate. Basta ang ganda. Basta yun na yun. FEEEELS. ❤

Mabilis lang siya basahin, friends. 🙂 Medyo pang-teleserye pa nga eh, kung expanded lang ang story. Malapit talaga sa loob ko yung mga stories na involved yung mga past. Madalas makakakita ako ng hugot lines. Minsan nga feeling ko ako yung character eh. Kaya nagustuhan ko talaga ‘to. 🙂

B-L-A-S-T = K-I-L-I-G = ❤ ❤ ❤ ❤ ❤


Final Rating: 5/5

Signature II

Advertisements

4 thoughts on “[Blog Tour] Blast From Two Pasts by Kristel Villar – Filipino Version

What do you think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s